(Pisay students and teachers invited alumni on November 11, 2016 to join their demonstration of disgust over the Supreme Court decision allowing Marcos to be buried at the Libingan ng mga Bayani. What I told the students that night I am recalling now, and adding a bit more before the moment passes by. I hope to see the students again tomorrow, November 25, 4pm at Luneta.)
Ako si Krissy Conti, Pisay Batch 2000. Ako ay millennial (ayon sa definition, sumabit pa ako!). Katulad ng iba sa inyo, wala pa akong muwang nung Martial Law. Wala akong kamag-anak na pinatay, nawala o nirape noong Martial Law, at least, yun ang alam ko. Wala namang ginawa sa aking masama ang mga Marcos.
Pero nung ibinalita yung naging desisyon ng Supreme Court, 9-5 pabor ng pagpapalibing kay Marcos sa Libingin ng mga Bayani, na-heartbroken ako. Di ako maka-get over, ayan tuloy nagpagupit pa ako. Di ba ganun daw ang mga nagbe-break, di kinakaya, nagpapalit ng itsura.
Inisiip nyo siguro, wow ang OA ni ate. Pero, iniisip ko rin, wow kung iniisip nyong OA ako aba e wow kayo na ang kabata-bata ay alam na ang heartbreak.
Anyway. Ang heartbreak, di ba, it’s a shattering of what you used to believe in. Parang, dati may “us”, tapos ngayon, it’s just “you” and “I”.
Nung nagdesisyon ang SC , gumuho bahagya yung mga pinaghahawakan ko. Bilang abogado kasi, syempre naniniwala ako sa sasabihin ng korte. Sa kaso ng Marcos v. Manglapus, kinilala ng SC dati na diktador si Marcos. Noon, sabi ng SC, pinatalsik si Marcos ng taumbayan dahil sa grabe sya, nagdulot ng “twenty years of political, economic and social havoc”. Sa isa naman, sa Republic v. Sandiganbayan, pinasosoli ng SC ang $658 million na ill-gotten wealth ng mga Marcos. Sa isang kaso lang yan ha. Yung Presidential Commission on Good Government, sa website nila, proud silang mag-announce na naka-kumpiska na sila ng P90 billion mula sa mga Marcos at crony nila. (At syempre di pa lahat yun.) Ang dami dami dami naman palang pera sa Pilipinas! Nafe-feel nyo ba sa baon nyo yun?
Nung 2013, nagkaroon pa tayo ng batas na “Human Rights Victims Reparation and Recognition Act”. May P10 billion na na-recover kay Marcos na ginagamit ngayon para bigyan ng danyos yung mga biktima niya. Pansinin nyo, may “recognition”. Ibig sabihin, hindi lang sila basta binabayaran kumbaga. Kinikilala sila at pinatotototoo ang mga nangyari sa kanila.
Lahat yan sinabi na sa SC ng National Union of Peoples’ Lawyers [kanina], sa isang manifestation. Sinabi ng mga abogado, teka mag-aapela kami sa tamang panahon! Kaya ito po muna, basahin nyo na ang mga dating desisyon nyo.
Napaasa talaga ako na yung SC kahit paano maiintindihan na hindi naman personalan ang issue dito. Na hindi naman kesyo anti-Marcos, e anti-Duterte ka na rin, o kaya pro-Aquino ka. Ang issue ay ika nga, larger than ourselves.
Hindi ko naman pinepersonal ang galit sa mga Marcos e. We don’t hate the Marcoses per se. We hate what they represent. Kaya kahit pa ibiling nyo kasama sa hukay si Imelda, Imee, at Bongbong , e liligaya na tayo. Ang kaaway natin ay kawalan ng hustisya, kawalang-pananagutan (impunity), human rights violations, pang-aabuso ng kapangyarihan, kahirapan. Lahat yan pinalala ng mga Marcos noong nasa Malacanang sila.
Kaya alam nyo ang ginagawa natin? Nagre-rebolusyon. Hindi tayo nang-aaway lang ng mga anti-Marcos, troll man o totoong tao. Hindi tayo nagngingitngit lang sa facebook at basta huma-hashtag hashtag.
Ang galing na may pagmamartsa kayo ngayon sa Bantayog ng mga Bayani. Sige ilabas nyo ang nararamdaman nyo. Hala, lakad, sigaw! Pero siguraduhin nating may nakikinig, na may kausap tayo. Wag yung tayo-tayo lang! (Pwede kausapin ang sarili pero minsan lang ha.) Paniwalain natin yung iba na hindi lang nutribun ang sagot sa kagutuman, na hindi porke’t may Masagana 99 e malusog na lahat. Paliwanagan natin sila na yung mga pinatay, tinorture, ni-rape nung panahon ni Marcos ay hindi kwento-kwento lang.
Habang nagca-candle lighting tayo sa may Wall of Remembrance, naaalala ko tuloy ang Tita Madre ko na rural missionary. Naka-deploy sya sa Visayas, Mindanao nung panahon ng Martial Law kaya pwede ko sana pagtanungan ng mga kwento. Nakatabi ko nun si Ana Celestial, Pisay 1999 at isang batch lower sa akin sa MBB (molecular biology sa UP Diliman). Tinuro nya yung pangalan na naka-ukit sa pader, tanong nya, kaano-ano mo? Tita ko, pero di ko na naabutan. Sabi nya, meron din akong apelyido dito, sabay turo. Ah. Kaano-ano mo? Tito ko, pero di ko na rin naabutan. Sabay na lang kaming napatungo.
Sayang nga di namin sila naabutan, pero buti na lang wala na sila para makita yung pa-SDE (same day edit) ng libing ni Marcos. Todo-deny ang Malacanang na di nila alam libing nung araw na yun. Ano yun, naglakad mag-isa at on time yung higanteng korona ng bulaklak na may "from, Rodrigo Roa Duterte"? (Nasa likod ni Bongbong habang nagsasalita sya.) Simpleng libing lang pero may parada at 21-gun salute? Hindi raw bayani pero nasa Libingan ng mga Bayani? Matalino kami, uy.
Sana talaga may manalong rebolsuyon sa henerasyon natin, yung rebolusyon na pang-long term ang panawagan ha. Hindi yung katulad ng EDSA 1 na tatlong dekada lang e wala na ring saysay. Ako nga naging parte ng EDSA 2; andun ako nung nag-oath si GMA. Aba nine years after, wala, ayoko na. Maha-highblood at heartbreak lang ako.
Ganito raw nagsisimula ang mga rebolusyon ngayon. Mga kabataang nagalit, at di nagkasya sa social media lang. Lumabas sa kalsada at hinatak ang mga matatanda. Tayo yung malakas e, tayo yung mapusok. Tayo yung madaling magkasundo, kasi di pa tayo matindi mag-judge, at manlait ng kapwa. Sana pagkatapos ng rebolusyon na ito, sana may totoong pagbabago.
Sana magkita ulit tayo bukas!